“Nag-aral siyá n~g una n~g Filosofía, at iníwan niya ang pag-aáral sa pagsunód sa canyáng ináng matandâ na; at hindî niyá ipinagpatuloy ang pag-aaral, hindî sa caculan~gan n~g magugugol at hindî rin sa caculan~gan n~g cáya n~g pag-iísip: tumíguil siyá n~g pag-aáral, dahilán n~gâ sa pagcá't mayaman ang canyáng iná, at dahilan sa ayon sa sabiha'y matalas ang canyáng ísip. Natatacot ang mabaít na babaeng maguíng pantás ang canyáng anác at macalimot sa Dios, cayâ n~ga't siyá'y pinapamilì, sa siyá'y ...magpárì ó íwan niyá ang colegio n~g San José. Nang panahón pa namáng iyó'y siyá'y may naiibigang babae, cayá't pinilì niyá ang íwan ang colegio at nag-asawa siyá. Hindî lumampás ang isáng taón at siyá'y nabáo at naulila; guinawâ niyáng aliwan ang m~ga libro upang siyá'y macaligtás sa calungcutan, sa sabong at sa pagca waláng guinágawâ. Datapowa't lubháng nawili sa m~ga pag aaral at sa pamimilí n~g m~ga libro, hanggáng sa mapabayaan niyá ang sariling pamumuhay, cayá't siyá'y unti-unting naghírap.MoreLessRead More Read Less
User Reviews: